Tayong lahat ay may kanya kanyang papel sa mundo na ginagampanan subalit nasa atin na kung paano natin panghahawakan o gagamitin ang papel na iyon. Mayroon tayong iba ibang katauhan, ika nga ng isang kasabihan “We are all different”. Totoo ang kasabihan na ‘yon na tayong lahat ay magkakaiba. Subalit masasabi kong ako ang isang taong naging kakaiba kaysa sa iba. Masasabi kong kakaiba sa iba sapagkat hindi ako tulad ng mga pangkaraniwang tao pagdating sa pakikisalamuha, pakikitungo, pakikipag usap at pakikisama sa kapwa. Naging isa akong mahiyain, kimi at dungo (ang tawag sa Naic kapag sasabihin na wala kang mukha na humarap sa iba). Nagkaroon ako ng phobia sa ibang tao lalo na sa mga grupo. Pakiramdam ko noon ay hindi ako welcome sa kanila at nagkaroon ako ng tinatawag nating “inferiority complex”. Ang mda dahilan ng aking inferiority complex ay ang mga sumusunod:
1. Pakiramdam na ako ang pinakamahirap sa lahat ng tao. Nag aral ako sa isang private school noong high school (sa pamamagitan lang ng scholarship) kaya karamihan ng mga kaklase ko ay may pera. Kahit sa isang state university ako nag aral noong college ay ako pa rin ang pinakamahirap (laging walang pera at hikahos).
2. Hindi ako “in” sa lahat ng grupo. Dahil nga ako ang pinakamahirap, hindi ako “in” sa mga gala at “gigs” nila. Hindi rin ako mahilig gumala, makipagkita kung kani kanino, at makipag party (the one that I hate the most). Hindi ako “in” dahil hindi ako katulad nila na mahilig sa kalayawan (alak, sugal, babae). Hindi ako “in” dahil lalong hindi ako malaswa at bastos. Hindi ako in “in” dahil hindi ako mahilig sa pakikipagrelasyon sa iba’t ibang mga babae sa tabi tabi.
3. Pakiramdam na lagi akong pagtatawanan at mamaliitin ng mga tao. Dahil nga kakaiba ako sa kanila, may mga pagkakataon na pinagtatawanan ako.
Bilang resulta, hindi ako lumalabas ng bahay maghapon, nagtatago rin ako sa kwarto kapag may dumarating na bisita sa bahay. Hindi ako sumasali sa mga extra-curricular activities sa school. Dahil sa nahihiya rin akong magparticipate sa mga school activities, nagging mababa ang mga grades ko. Apektado ng ganitong gawi ko ang buong buhay ko na mahirap din sa pakiramdam. Mahirap mabuhay sa kawalan ng tiwala sa sarili, kahihiyan o pagiging mahiyain at takot sa tao.
Noon ding panahon na yon ay nalugmok sa problema ang aming pamilya. Nawalan ng trabaho ang tatay ko noong 1999 at ang nanay ko lang ang naghanapbuhay sa pamilya namin habang kaming dalawang magkapatid ay nag aaral; ako sa college at kapatid ko sa high school. Hindi nagging madali sa amin ang buhay dahil sa kitang 6, 000 piso kada buwan ay pinagkasya naming yon at lumubog kami sa utang. May isang pagkakataon na hindi ako nakapasok sa school dahil sa kawalan ng allowance. Nakatapos ako ng kolehiyo noong 2003 sa kursong Business Management pero nagging mahirap para sa akin makahanap ng trabaho na may mataas na sweldo kaya lugmok pa rin sa kahirapan. Noong nakahanap ako ng trabaho ay kulang pa rin ang kita. Hndi rin kami nkaahon sa utang. May pagkakataon pa nga na naging “suicidal” ako.
Kadalasan mag isa ako sa trabaho, walang kasabay pumasok, kumain at0 umuwi. Hindi ako nakikisabay sa kahit anong grupo sa office namin. Noong nagtrabaho ako sa SM Dasmarinas noong 2004 ay hindi rin ako nagkaroon ng mga kaibigan. Madalas akong pumupunta sa corridor o hagdanan mag isa hangang matapos ang lunchbreak, doon lang ako babalik sa trabaho. Sa kabila n’yon ay sinikap ko na baguhin ang sarili ko para hind maging ganoon habangbuhay. Itutuloy… (hahaha)
Photo credit: http://www.shyfacts.com/
No comments:
Post a Comment